Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
vhong navarro tanya bautista

Tanya masayang-masaya sa pansamantalang paglaya ni Vhong

MA at PA
ni Rommel Placente

MASAYA kami para kay Vhong Navarro para sa pansamantala nitong kalayaan.

Nitong Martes ng gabi, December 6, naglabas na ang Taguig Regional Court branch 69 ng order for release ng TV host-comedian na naka-detain sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Male Dormitory sa Taguig City.

Base sa order of release ni Vhong, “You are hereby directed to release from custody accused FERDINAND “VHONG” HIPOLITO NAVARRO for having filed the necessary cash bond in the amount of ONE MILLION PESOS (Php1,000,000) under Official Receipt No. 9022573 dated 06 December 2022, which cash bond is APPROVED by this court for his provisional liberty.

“This order is for the above-entitled case only and insofar as there exists no order in any other case to effect that he remain confined under your custody.”

Masayang-masaya ang asawa ni Vhong na si Tanya na pinayagang makapag-bail si Vhong. Kahit P1-M pa ito, ang mahalaga ay ang kalayaan ni Vhong.

“Sobrang, sobrang happy. It’s going to be a blessed Christmas, ‘di ba? A very good Christmas for the family,” sabi ni Tanya sa kanyang panayam sa ABS-CBN News.

Pero kahit nakalaya na si Vhong, hindi pa rin ito makakapag-report sa kanilang show na It’s Showtime. Magpapataba muna siya ulit, at magpapahinga.

Sigurado, sa pagbabalik ni Vhong sa kanilang noontime show ay magkakaroon ng selebrasyon.

Wish lang namin na tuluyan na siyang makalaya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …