Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Noel Trinidad Liza Lorena

Noel at Liza talbog ang mga loveteam sa tukaan

I-FLEX
ni Jun Nardo

TALBOG sa veteran artists na sina Noel Trinidad at Liza Lorena ang mga kabataang artista dahil matapos silang ipakilala sa pressccon ng festival movie ng CineKo na Family Matters, tukaan sila ng mga labi, huh!

Mag-asawang senior ang role nina Noel at Liza sa movie na pinuproblema ng mga anak.

Yes, tungkol sa pagmamahal sa pamilya ang movie mula sa tandem ng writer na si Mel del Rosario at Nuel Navana nasa likod din ng hit festival movie na Miracle In Cell No, 7.

Sa totoo lang, nang ilabas ang trailer ng movie sa social media, aba, 30 million plus agad ang views nito, huh.

At saka magagaling ang lalabas nilang mga anak sa movie na sina Mylene Zapanta, Agot Isidro, Nikki Valdez, JC Santos, James Blanco,at Ian Pangilinan.

Naku, sure bet sa acting awards ang cast at film ng Family Matters na akmang-akma ang tema ngayong festival. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …