I-FLEX
ni Jun Nardo
NAGPAKITA ng kanyang maputi at matabok na puwet ang Kapuso actor na si Jeric Gonzales sa una niyang lead actor movie na Broken Blooms ni Louie Ignacio.
Eh dahil may tiwala si Jeric sa director, hindi na siya nagdalawang-isip gawin ‘yung eksena.
Pero mas matindi naman ang pasiklab ng co-actor sa movie na si Royce Cabrera, huh! Wala man siyang puwet na ipinakita eh ipinamalas niya ang kanyang mukha kapag umabot na siya sa climax kapag dinadama ng ng isang bading ang pagkalalaki niya.
“Eh tiwala lang din po sa director at kailangan sa kuwento kaya ginawa ko ‘yung eksena,” rason ni Royce na kapit sa patalim ang ginawa dahil nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.
Ilalabas sa sinehan sa December 14.