Thursday , May 15 2025
Roel Esquillo Billiards

Caloocan City punong abala sa P212,000 10-Ball Open sa Cocoy’s Billiard Hall

MANILA — Magsisilbing punong abala ang Lungsod ng Caloocan sa country’s top players sa pagtumbok ng Esquillo Cup tampok ang Glory Lumber Year of the Rabbit 10-Ball Open Billiards Tournament, iinog sa 20-23  Enero 2023.

Gaganapin ang tatlong araw na tournament sa pamosong Cocoy’s Biliard Hall sa Gracepark, Caloocan City.

Nanguna sa strong list ng competitors sina Carlo Biado, Roland Garcia, Antonio Lining, Rodrigo Geronimo, Jericho Bañares, Anton Raga, Jonas Magpantay, at Romeo Silvano.

Ang mga manlalaro na nagmumula sa iba’t ibang panig ng bansa gaya ng Metro Manila, Laguna, Bulacan, Cavite, Pangasinan, Mindoro, Iloilo, Cebu, Davao, Cagayan de Oro, at iba pang siyudad ay magtutuos sa guaranteed prize totaling P212,000.

Ang magkakampeon ay tatangap ng lion share na P120,000 plus trophy habang nakalaan sa runner-up place ang P40,000 plus trophy.

Ang Third hanggang Fourth Places ay magsusubi ng tig-P10,000, ang Fifth hanggang 8th Places ay mag-uuwi ng tig P4,000 habang ang 9th hanggang 16th Places ay magbubulsa ng tig P2,000.

Ang event na presented ni Tournament Promoter Mr. Roel Esquillo, suportado ng Glory Lumber, M.D.C. at Mr. Clive Dee sa pakikipagtulungan ng City of Caloocan, Cocoy’s Biliard Hall, at CVC Billiard Hall ay sanctioned ng Games and Amusement Board.

Ani Esquillo, ang nasabing event ay layuning makapag-produce ng bagong batch ng Filipino cue artists na kakatawan sa bansa at magbibigay ng karangalan sa bayan sa various international meets, gaya ni Reyes at Co sa nakalipas.

“It is my deepest desire that Esquillo Cup dubbed as Glory Lumber Year of the Rabbit 10-Ball Open Billiards Tournament will not just bring joy and entertainment, but also dignity and honor to us all.” sabi ni Esquillo na hindi na mabilang ang kampeonatong napanalunan sa Japan Tournament.

“Billiards enthusiasts have this opportunity to watch the game of professional pool, to see multi-awarded players, and get to know the next generation of athletes who are making a name in the world of pool,” ani Esquillo. (MARLON BERNARDINO)

About Marlon Bernardino

Check Also

Shaunna Polley Olivia Macdonald Volleyball World Beach Pro Tour Futures Nuvali

Kiwis, kampeon muli sa BPT Futures Nuvali para sa ikalawang sunod na gintong medalya

NAKAMIT nina Shaunna Polley at Olivia Macdonald ng New Zealand ang kanilang ikalawang titulo sa …

Alyana Nicolas pole vault ICTSI Philippine Athletics Championships

Nicolas, matagumpay na naipanalo muli ang women’s pole vault title sa ICTSI PH meet

CAPAS, Tarlac – Muling pinatunayan ng Fil-Am na si Alyana Nicolas ang kanyang pagiging nangungunang …

Pia Cayetano Padel Pilipinas

Pia Cayetano nais palaguin ang Padel sa buong bansa

TULOY-TULOY ang suporta ni Senador Pia Cayetano para sa mga national coach at atleta ng …

Florentino Inumerable

Florentino Inumerable, kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Championships

HINDI lang nagwagi kundi kampeon ang beterano at United States chess master na si Florentino …

Darell Johnson Bada Yukiho Okuma NTT Asia Triathlon Cup sa Subic

Nangibabaw sina Bada ng PH at Okuma ng Japan sa elite junior sa Subic International Triathlon

OLONGAPO City, Zambales – Nakopo ng Pinoy na si Darell Johnson Bada ang kampeonato sa …