Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jake Cuenca 2

Stage play ni Jake panalo sa ‘kargada’  

I-FLEX
ni Jun Nardo

CONFIDENT si Jake Cuenca sa kanyang kargada. Handa nga siyang ipakita ito kung puwedeng mangyari sa ginagawang stage play na Dick Talk ng V-Roll Media Ventures ng producer na si Eboy Vinarao.

Pero ayon sa director ng play na si Phil Noble, may mangyayaring hubaran sa play sa male cast na kinabibilangan din nina Mikoe Morales, Gold Aceron at transman na si Phil Noble, huh.

Eh pagdating naman sa kargada ni Mikoy, “Insecurity ko nga ‘yun! Ha! Ha! Ha! Kaya nga wala akong complex na ako ay isang tall, dark and handsome!

“Gumagawa na lang ako ng ibang bagay na masa-satisfy ang babae sa performance ko! Ha! Ha! Ha!”

Sa baguhan namang si Gold, sinasabi niyang dyutay siya ‘pag tinatanong tungkol doon. Pero kapag tropa ang kasama niya, handa siyang makipagbadargulan sa mga ito kapag pakitaan na.

Para naman sa transman na si Neil Nodalo, “Nasa performance ‘yun!”

Ang playay bold at walang kiyeme lalo na sa mga dayalog tungkol sa hugis at haba ng pagkalalaki.

“Gusto lang naming maging masaya ang play at thinking actors ang kinuha namin sa play,” sabi ng director.

 Naku, jackpot ang manonood kung sakaling may bumulagang kargada sa mga male cast ng play, huh!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …