NANAWAGAN si Northern Samar 1st District Rep. Paul Daza sa mga kapwa mambabatas na huwag madaliin ang pagpasa sa batas na magbubuo ng P250-bilyong Maharlika Wealth Fund at ikonsulta ito sa publiko lalo na’t napakalaking pera ng bayan ang sangkot dito.
“Para maintindihan ng publiko, simple lang ‘yan. Pondo ng taong bayan, iipunin sa isang Maharlika Fund na gagamiting investment. So tanungin natin, gaano kalaki? Ano ‘yung mga guidelines? Saan ilalagay ‘yung pondo? Anong klaseng risk? I-invest ba natin ‘yan sa Filipinas o i-invest sa ibang bayan? Ilalagay natin sa telecom? Ilalagay natin sa ICT, sa internet na ang laking problema natin ngayon sa WIFI, sa internet, kalsada tulay, ‘yun ‘yung mga kailangang marinig natin,” aniya sa panayam sa Frontline Tonight kagabi.
Kailangan aniyang makuha ang pinakamaraming inputs ng mga mambabatas, posisyon ng political parties , private sector at mga eksperto mula sa ibang bansa.
“Gusto nilang matapos ‘yan by Christmas break We’’ll be doing a disservice by fast tracking this bill. Ang pinag-uusapan dito, at least P250-B, ang laking pera. In three years ang fund na ‘yan ay aabot ng trillion kaya dapat pag-usapan, ‘wag madaliin Magkaroon tayo ng public discussion,” sabi ni Daza.
May mga lumutang na ulat na ang MWF ay gagamitin umano bilang behikulo upang lihim na ipuslit sa ibang bansa ang bilyon-bilyong dolyar na ill-gotten wealth ng mga Marcos.
Ayon kay Dr. Eric Vincent Batalla, political science and development studies professor sa De La Salle University, at eksperto rin sa anti-money laundering at economic crimes, upang mapawi ang naturang pangamba, dapat patunayan ng gobyerno na nararapat ito sa tiwala at buwis na ibinayad ng mga Pinoy sa pamamagitan ng pagbabantay laban sa “shell companies, hot money, cronyism and other sources of illicit funds that could use Maharlika to finance terrorism or organized crimes.”
“Given the weak institutions and accountability mechanisms, as well as the presence of opportunistic agents in and out of government, there are always potential problems that can cause serious economic and political repercussions,” giit ni Batalla.
Para kay Calixto Chikiamco, isang political economist, hindi magandang ideya sa kasalukuyan ang pagtatatag ng MWF dahil kapos sa pera ang gobyerno at may panganib na mauwi sa korupsiyon at mabahiran ito ng politika.
Hindi aniya umiiral sa bansa ang ‘rule of law’ kaya delikadong ilagak sa investment ang napakalaking pera ng bayan.
“But it’s not the right time now. For 2 reasons. One is, the right time is when you have a lot of fiscal surplus but as you know, because of the pandemic, our government now is in a very tight fiscal position,” ani Chikiamco sa The Chiefs sa One PH kamakalawa ng gabi.
“Secondly, there is a danger of corruption, politicization of the investment, etc. Of course, they say there will be good governance, there will be independent directors, but you know, you can only do that when you have a rule of law. Managers and board of directors, if they think that they can get away with it, the danger is that they will do it, they will do some kind of malfeasance, if we don’t have a rule of law. And as I pointed out, we don’t really have a rule of law, even those persons that have been convicted are living a high life in Bilibid. So what kind of rule of law do we have. I think the right time to set up a SWF is when we have a rule of law,” dagdag niya.
Matatandaan, noong 2020 hinatulang guilty si dating Malaysian Prime Minister Najib Razak sa pandarambong ng bilyones mula sa state investment fund na kanyang itinatag. (Rose Novenario)