Friday , November 15 2024
PHil pinas China

Joint exploration sa WPS, ituloy – Marcos Jr.

KAILANGANG makahanap ng paraan ang Filipinas para matuloy ang paggalugad sa West Philippine Sea (WPS) para sa langis at gas, ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

Bago bumaba sa poder si Pangulong Rodrigo Duterte noong 23 Hunyo 2022 ay tinuldukan niya ang mga talakayan sa joint exploration ng China at Filipinas sa langis at gas sa WPS.

Noong 2018 lumagda ang dalawang bansa sa isang memorandum of understanding para magsagawa ng joint oil at gas exploration sa lugar.

Sa isang panayam sa media, sinabi ni Marcos Jr., ang administrasyon ay maghahanap ng alternatibong paraan para matugunan ang lumalawak na pangangailangan sa enerhiya ng bansa.

“I think there might be other ways para hindi gawing G2G or I don’t know. We’ll have to find a way kasi kailangan na natin e. We already need — kung may mahanap diyan, kailangan na talaga ng Filipinas,” anang Pangulo sa panayam sa media kahapon.

Aminado ang Pangulo na sagabal sa joint exploration ang territorial claim ng China sa WPS.

“Ang talagang nangyari diyan is what? Kasi kini-claim ng China kanila ‘yun, e atin naman talaga ‘yan,” giit ng Pangulo,

“So sinasabi namin, sinasabi ng Filipinas basta ‘yung batas kailangan masundan ‘yung sa Pinas. Ang sinasabi naman ng Chinese, hindi amin ‘yan e kaya kailangan masundan is Chinese. So ‘yun talaga ang — ‘yun ang roadblock doon. Mahirap makita kung papaano natin aayusin ‘yun,” dagdag niya.

“‘Yung China, hindi man, maliit na bagay sa kanila ‘yan e. Sa atin, malaking bagay ‘yan. So kailangan talaga natin ipaglaban at mapakinabangan kung mayroon mang oil talaga.” (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …