Tuesday , December 24 2024

Sa Negros Occidental
NDF CONSULTANT, 1 PA, PATAY SA MILITARY OPS

120122 Hataw Frontpage

ni Rose Novenario

NAPATAY sa operasyon ng militar si National Democratic Front (NDF) consultant Ericson Acosta at isang organizer ng magsasaka sa Kabankalan City, Negros Occidental kahapon ng umaga, 3- Nobyembre.

Ayon sa tagapagsalita ng NDF-Negros na si Ka Bayani Obrero, nadakip ng 94th Infantry Battalion (94IB) at 47th Infantry Battalion (47IB) ang dalawa nang buhay sa Sitio Makilo, Barangay Camansi bandang 2:00 a.m. ngunit makalipas ang ilang oras ay idineklarang napaslang umano sa enkuwentro sa pagitan ng militar at mga rebelde.

Mariing kinondena ng NDF Negros ang 94th IB, 47th IB at mga nangungunang ‘aso’ ng 3rd ID sa aniya’y summary execution kay Ka Ericson at sa kanyang kasamahan.

“Ang dalawa ay biktima ng kasuklam-suklam na patakaran ng [Armed Forces of the Philippines] na ‘walang bilanggo’ sa kanilang kampanya kontra-insurhensiya,” pahayag ni Obrero.

Sinabi ni Obrero, nasa Kabankalan City si Acosta upang kumonsulta sa sitwasyon ng mga manggagawang bukid sa southern Negros Occidental at ibahagi ang mga development sa Comprehensive Agreement on Social and Economic Reforms (CASER).

Sa hiwalay na pahayag, tinagurian ni Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) secretary general Renato Reyes, Jr., ang pagkamatay ni Acosta at ng kanyang kasama bilang ‘summary executions’ dahil “walang naganap na putukan.”

“Walang putukang naganap. Ang paraan ng pagpatay ay pare-pareho sa maraming ‘summary executions’ na ginawa para lumabas bilang ‘encounters’ at ‘firefights,’” aniya.

Ayon sa Bayan, si Acosta ay isang consultant ng NDF sa usapang pangkapayapaan noong 2016 hanggang 2017 para sa pagbalangkas ng kasunduan sa mga repormang sosyo-ekonomiko.

Lumahok din siya sa pormal na usapang pangkapayapaan at talakayan ng mga reciprocal working committee.

Tinawag ni Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesperson Colonel Medel Aguilar na ‘kasinungalingan’ ang pahayag ng NDF-Negros, at paninira laban sa AFP.

Batay sa ulat ng 3rd Infantry Division (3ID), dalawang miyembro ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA) ang napatay sa isang ‘enkuwentro.’

Si Acosta, ay isang makata, musikero, at ex-political prisoner. Asawa siya ng isang makatang nagging rebelde, si Kerima Tariman, napaslang sa Silay City noong Agosto 2021. Ang dalawa ay kapwa nagging patnugot ng University of the Philippines’ (UP) Philippine Collegian.

Ang kanyang aklat (Mula Tarima Hanggang at iba pang mga Tula at Awit) inilimbag ng UP Press ay nagwagi sa 35th National Book Awards for Best Book Of Poetry in Pilipino.

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …