I-FLEX
ni Jun Nardo
PUSONG-SAWI man pagdating sa kanya-kanyang lovelife, umaaribang career naman ang isinukli sa nadiskaril na pag-ibig kina Kapuso stars Rabiya Mateo, Andrea Torres, at Max Collins.
Bukod sa daily morning show na TiktoClock News, kasama si Rabiya sa pelikulang One Good Day. Kasama rin ni Rabiya sa movie si Andrea. Ang six-episode series na ito ay nagsimula ang streaming sa Amazon Prime last November 17.
Bukod sa movie, mapapanood din si Andrea sa Filipino-produced film na Pasional kasama ang Argentine actors.
Samantala, si Max naman ay proud na ipinagmalaking kasama siya sa second season ng American-Filipino crime drama TV series na Almost Paradise. Co-lead star niya si Christian Kane at ang second season nito ay ire-release sa Amazon Freevee.
Hindi masisisi ang tatlong Sparkle stars kung mas mahalin nila ang career kaysa mga lalaking sumugat sa kanilang puso, huh.