Monday , December 23 2024

Winner ng Prince Tourism Ambassador Universe 2022 na si Paolo gustong makatrabaho si Daniel

MA at PA
ni Rommel Placente

GWAPO, mahusay rumampa, outstanding ang talent portion, at nasagot with flying colors ang katanungang ibinigay sa kanya, kaya naman si Paolo Ortiz ang itinanghal na Prince Tourism Ambassador Universe 2022.

Sa tanong kung paano niya idi-describe ang experience niya sa  pagsali sapageant, ani Paolo, “It was more of exciting  It was well coordinated There were a lots of contestants. I didn’t feel very nervous. Over all, it was very fun.”

Ano ‘yung pinakamahirap na na-experience niya during the pageant?

“Mainly it was the stage presence po talaga kasi first time kong nag-join ng pageant.”

Since siya ang itinanghal na Prince Tourism Ambassador Universe 2022, kung pupunta sa ‘Pinas ang mga nakalaban niya, saang magagandang tourist spots niya ipapasyal ang mga ito?

“Sa 8 Wonders of the world po, sa Banawe Rice Terraces. Ipapasyal ko rin po sila sa Boracay at Palawan.”

Pangarap ni Paolo na pasukin ang pag-aartista. Sa tingin niya magiging dahilan ang pagkakaoon niya ng title para ma-penetrate  ang showbusiness?

“Maybe nobody knows the future,” sagot niya.

Sa action gustong makilala ni Paolo.

Ano ang advice na ibinibigay ng parents niya sa kagustuhan niyang mag-artista?

Don’t be nervous. Always smile. Give your best.”

Kung mabibigyan ng chance sa showbiz, pangarap na makatrabo ni Paolo ang paborito niyang aktor na si Daniel Padilla.

“He”s really good in acting. Tama ‘yung emosyon na ipinakikita niya.”

About Rommel Placente

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …