I-FLEX
ni Jun Nardo
PANGKABUHAYAN ang handog na training ni Rhian Ramos sa single mothers sa Sampaloc, Manilang bilang bahagi ng kanyang 32ng birthday celebration.
Tinuruan ni Rhian ng soap making ang mga mami, binigyan ng gamit at siyempre, may take home pa silang goodies.
Siyempre, may kaunting selebrasyon din dahil dinalhan si Rhian ng cake ng kaibigang si Michelle Dee at present sa livelihood training ang boyfriend na si Sam Versoza.