I-FLEX
ni Jun Nardo
DAGUNDONG ang sigawan ng mga nanood ng Juliverse concert nina Julie Ann San Jose at Rayver Cruz sa Newport Performing Arts last Saturday nang sabihan ng singer/aktres ng, “I love you too” ang aktor sa kalagitnaan ng concert.
First time magsama sa back to back concert ang dalawa at enjoy na enjoy naman ang nanood sa performance nila.
Muling sinabi ni Rayver ang damdamin kay Julie habang kapwa sila nasa stage.
“Naalala mo pa ba noong birthday mo, sinabi ko naman sa ‘yo kung ano ang nararamdaman ko…Gusto ko lang din iparinig sa kanila. Julie Ann San Jose, I love you. I love you very much,” sabi ni Rayver.
Siyempre, kilig-kiligan ang fans sa pahayag ni Rayver kaya sagot ni Julie, “Ang dami nang nagbago sa buhay ko simula nang dumating ka, kaya gusto kong sabihin na, “I love you too!”
Hayan, kompirmado na ang relasyong Julie Anne at Rayver, huh!
Tutal naman, may Paulo Avelino na ang ex-GF ni Rayver na si Janine Gutierrez kaya deserve naman niyang maging masaya, huh!