MA at PA
ni Rommel Placente
SA kanyang social media post ay ibinahagi ni Bianca Gonzales na noong bata pa siya ay napasok siya sa isang emotionally at physically abusive relationship.
Post ni Bianca, “In my teen years, I was in an emotionally and physically abusive relationship.
“It was only when I mustered up the courage to tell a friend about it that they helped me wake up and realize I HAD to get out of that situation.”
Kaya nga simula noong mangyari sa kanya ito ay ipinangako niya sa sariling tutulong din siya sa mga taong makararanas ng kaparehas na sitwasyon na kanyang pinagdaanan.
Nangako rin si Bianca na magsisilbi siyang kakampi at magiging tulay siya upang maibahagi ang mga kuwento patungkol sa pang-aabuso para marami rin ang matuto ukol dito.
“I pledge to listen, and do what I can to help others who may be in the same situation, to encourage them to voice it out and share even to just one person, because that is when empowerment to get out of the cycle of violence begins,” sey ni Bianca.
Dagdag pa niya, “Ending the culture of violence and inequality will take all of us working together. Together, we can #EndVAW.”