RATED R
ni Rommel Gonzales
NAALIW kami sa tsika ni Aiko Melendez tungkol sa boyfriend niyang si Zambales 1st District Congressman Jay Khonghun at binatang anak ni Aiko na si Andre Yllana.
May mga pagkakataon pala kasing gumimik sina Jay at Andre samantalang si Aiko ay naiiwan sa bahay.
“Yes may ganoon sila, man-to-man bonding, lalabas sila, gigimik, ako iwan, nganga! Kaloka,” ang tawa ng tawang tsika sa amin ni Aiko.
Happy naman siya sa ganoong senaryo dahil pagpapatunay iyon na super-close ang mga anak ni Aiko at ang kanyang kasintahan.
“Sobrang close sila kay Cong Jay and si Cong Jay yata ang nakarelasyon ko na nalalapitan nila in terms of ‘yung ‘pag may problema.
“Lalo na si Marthena, so mayroon na silang mga time na silang dalawa lang ang magkasama, nag-uusap sila.
“They’re very close, so wala akong problema pagdating sa bagay na ‘yun,” kuwento pa sa amin ni Aiko na main cast member ng Mano Po Legacy: The Flower Sisters sa GMA bilang si Lily Chua.