MATABIL
ni John Fontanilla
BALIK-PAGPO-PRODUCE ng pelikula si Lito De Guzman via Kabayo katuwang si Manuel Veloso ng PinoyFlix na first time producer. Ito ay idinirehe ni Franco Veloso.
Bida sa pelikulang ito sina Julia Victoria, Apple De Castro, at Francesca Flores na mga alaga ni Lito na pare-parehong palaban sa hubaran at daring na eksena.
Pero pinayuhan ni Lito sina Julia, Apple, at Francesca na gawing stepping stone ang pagpapa-sexy pero kailangan nilang galingan ang kanilang pag-arte para mapansin katulad ni Jaclyn Jose at mabigyan ng pelikulang ‘di nila kailangan maghubad.
Kasama rin sa pelikula sina ex-PBB housemate Rico Barrera, Ping Medina, Angelo Ilagan, at Paolo Rivero na bihasa at marami nang nagawang sexy films.
Ayon kay Lito, ‘di mabibitin ang mga kalalakihan sa dami ng sexy at daring scenes pero maraming aral na matututunan sa movie.