Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Paolo Contis Yen Santos

Netizens natuwa, nagalit kina Paolo at Yen 

MATABIL
ni John Fontanilla

MIXED emotions ang naging pagtanggap ng netizens sa pagbati ni Paolo Contis sa sinasabing karelasyon ngayon, si Yen Santos nang magwaging best actress sa Urian Awards para sa mahusay na pagganap sa pelikulang kanilang pinagsamahan nila, ang A Far Away Land.

Mayroong netizens na kinilig at natuwa, pero may mga nagalit at nilait ang dalawa. 

Post nga ni Paolo sa kanyang FB, “Congratulations Lilieyen Santos. I’m sooooooo proud of you!! Very well deserved! See you in awhile.”

At sinundan pa ng isa pang post with matching pictures ni Yen, “Happy Birthday My Best Actress!” 

At ang mga nasabing post ni Paolo ay inulan ng maraming batikos mula sa ‘di natuwang netizens na kaagad nagkomento ng:

“Pinagpalit ang pamilya anak s panandaliang nakilala.”

“Bkt may mga bbae tlgang panira ng pmlya hapy k now pro in the future iiyak k rn ano ang gnwa m ciang bblik syo, Dios n bhla s inyo.”

“Yung maganda ka Pero Di mo ginamit dahil pumatol sa may pamilya isa kang tanga.”

“Your happiness is somebody else’s pain.”

May mga tao talagang sobrang kakapal ng mukha. Binandera pa talaga ang relasyon nila as “friends” knowing na may sinaktan silang mga tao at winasak na pamilya.”

“Mga sinungaling na artista wag Yan sila suportahan sa kanilang career.” (John Fontanilla)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …