Friday , November 15 2024
Benjamin Diokno Bongbong Marcos

Pagsibak kay Diokno sa DoF, fake news – FM Jr.

TINAWAG na fake news ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang kumalat na balitang sisibakin niya bilang kalihim ng Department of Finance (DoF) si Benjamin Diokno.

Ayon sa Pangulo, hindi niya alam kung saan nanggaling ang ulat na ipapalit niya kay Diokno si Albay 2nd District Rep. Joey Salceda.

“Fake news. I don’t know where it comes from. Why would I do that? We’ve assembled a great team,” ani FM Jr., sa panayam matapos ang 49th Founding Anniversary ng Career Executive Service Board (CESB) sa Pasay City kahapon.

“At saka, we’re trying to go down a certain direction. It’s a very, very poor time to change horses in midstream,” dagdag niya.

Itinanggi rin ni Diokno na iiwan na niya ang DoF dahil maganda ang relasyon nila ng Pangulo.

Ipinagkibit-balikat ni Diokno ang tsismis at matanda na siya sa ganitong uri ng laro para maaapektohan pa siya.

Maging si Salceda, chairman ng House Ways and Means Committee, ay minaliit ang ulat na papalitan niya si Diokno.

“The President ultimately makes the decisions on appointments. The Cabinet, after all, is his official family. He has a SOF already. Until he says otherwise, any talk of any appointment is pointless speculation,” ani Salceda.

Umugong ang umano’y napipintong pagsipa kay Diokno sa DoF nang italaga ni FM Jr., si Romeo Lumagui Jr., bilang bagong commissioner ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ilang buwan pa lamang makaraang ipuwesto si Lilia Guillermo bilang pinuno ng kawanihan.

Si Lumagui ay mister ni Caramela Esquivas-Lumagui, isang trusted aide ni First Lady Liza Araneta-Marcos na dating associate sa MOST Law, ang law firm na dating kinabibilangan ng Unang Ginang.

Napaulat na hindi umano kinonsulta si Diokno hinggil sa appointment ni Lumagui bilang bagong BIR chief gayong attached agency ng DoF ang BIR.

Maging ang hindi pagsama kay Diokno sa pagdalo ni FM Jr., sa ASEAN at APEC Summit ay naging palaisipan din sa ilang observers na posibleng nagpapahiwatig umano ng pagkupas ng tiwala ng Pangulo sa kanyang finance secretary. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

La Consolacion College Fire

Sa Mendiola, Maynila  
LA CONSOLACION NASUNOG EMPLEYADO SUGATAN

SUGATAN ang isang empleyado sa sunog na tumupok sa La Consolacion College, sa Mendiola St., …

Motorsiklo sinikwat tirador natunton sa mga kuha ng CCTV

Motorsiklo sinikwat ‘tirador’ natunton sa mga kuha ng CCTV

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos nakawin ang isang nakaparadang motorsiklo sa Sta. …

Carlwyn Baldo

Kalusugan nalagay sa alanganin
LEGAL TEAM NI DARAGA MAYOR CARLWYN BALDO PINAG-AARALAN KASONG ISASAMPA LABAN SA NURSE  
Warden humingi ng paumanihin

PINAG-AARALAN ng kampo ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo ang kasong isasampa laban sa nurse ng …

Duterte Gun

Duterte aminadong pumatay ng 6 o 7 kriminal noong alkalde ng Davao City

INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, Miyerkoles na pumatay siya ng anim o pitong …

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …