“…IF there was that conflict inside the agency, baka ngayon na nawala ‘yan, baka mas gumanda pa ang takbo.”
Inihayag ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., sa publiko, kaugnay ng suspensiyon na ipinataw ng Office of the Ombudsman laban sa acting administrator ng National Irrigation Administration (NIA) na si Benny Antiporda.
Sinabi ng Pangulo na siyang Department of Agriculture (DA) secretary, walang epekto sa operasyon ng NIA ang ipinataw na preventive suspension ng Ombudsman sa acting administrator ng kawanihan.
“There are enough people there in the NIA who know what to do. At (And), in fact, I’m meeting them after this. So, make sure that ‘yung function ng NIA ay tuloy-tuloy,” ayon sa Pangulo sa panayam matapos dumalo sa 49th founding anniversary ng Career Executive Service Board sa Pasay City kahapon.
Aalamin ni FM Jr., Ang puno’t dulo ng kaso ni Antiporda.
“We have to find out what happened to Benny and see what really is the situation there, why Ombudsman Martires suspended him,” anang Pangulo.
“It happened all when I was away. So I have asked them to give me the background on what happened. Yeah. But the function of the NIA is not going to change,” dagdag niya.
Sa katunayan, aniya, ngayong nawala na ang tunggalian sa NIA, ay maaaring mas gumanda pa ang takbo ng kawanihan.
“In fact, I suppose parang – if there was that conflict inside the agency, baka ngayon na nawala ‘yan, baka mas gumanda pa ang takbo,” sabi ng Pangulo na siya ring Department of Agriculture secretary.
Matatandaang pinatawan ni Ombudsman Samuel Martires ng anim na buwang preventive suspension without pay si Antiporda noong 11 Nobyembre 2021 dahil sa iba’t ibang reklamo gaya ng grave misconduct na isinampa laban sa kanya ng NIA Employees Association of the Philippines (NIAEASP). (ROSE NOVENARIO)