Friday , November 15 2024
Kamala Harris

Sa PH visit  <br> HUMAN RIGHTS, WPS, TOP AGENDA NI VP HARRIS

112122 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO

MAGSISILBING top agenda sa kanyang pagbisita sa Filipinas ni US Vice President Kamala Harris ang usapin ng human rights at West Philippines Sea.

Dumating sa bansa si Harris kagabi sakay ng Air Force Two mula sa Bangkok, Thailand matapos dumalo sa katatapos na Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit.

Nakatakdang magtungo ngayong umaga si Harris sa Malacañang upang makipagpulong kina Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., at Vice President Sara Duterte.

Inaasahang muling igigiit ni Harris sa kanilang pag-uusap ang defense commitment ng Washington sa bansa at ang kahalagahan ng US-Philippine alliance sa pagtiyak ng kapayapaan at katatagan sa South China Sea.

Maaari rin talakayin ang pagpapatibay ng ugnayang pang-ekonomiya ng dalawang bansa partikular sa aspekto ng digital economy at pagsuporta ng US sa transisyon ng Filipinas sa clean energy.

Matapos ito’y makikipagkita rin si Harris sa civil society activists para maipakita ang komitment at patuloy na pagsuporta ng US sa “human rights at democratic resilience.”

Bukas ay magpupunta si Harris sa Puerto Princesa at maitatala ito bilang siya ang pinakamataas na US official na kauna-unahang bumisita sa Palawan, ang lalawigang nakaharap sa pinagtatalunang mga isla sa South China Sea.

Makikipagpulong siya sa mga mangingisda, mga residente, opisyal ng lalawigan at sa Philippine Coast Guard (PCG).

Ayon kay PCG spokesperson Commodore Armand Balilo, sakay ng BRP Teresa Magbanua, pinakamalaking patrol ship, magdaraos ng programa at magbibigay ng talumpati ang US Vice President.

Inaasahang magiging sentro ng talumpati ni Harris ang kahalagahan ng international law, ang hindi pagsagka sa kalakalan at kalayaan sa paglalayag sa South China Sea.

Nauna nang sinabi ni FM Jr., wala siyang nakikitang problema sa pagbisita ni Harris sa Palawan at hindi ito makapagdaradag ng tensiyon sa China kahit pa inakusahan ng Beijing ang Washington na ginagamit ang usapin sa pinagtatalunang teritoryo para sa pakinabang sa politika.

“It’s very clearly on Philippine territory, I don’t think it will cause a problem,” ani FM Jr.

About Rose Novenario

Check Also

La Consolacion College Fire

Sa Mendiola, Maynila  
LA CONSOLACION NASUNOG EMPLEYADO SUGATAN

SUGATAN ang isang empleyado sa sunog na tumupok sa La Consolacion College, sa Mendiola St., …

Motorsiklo sinikwat tirador natunton sa mga kuha ng CCTV

Motorsiklo sinikwat ‘tirador’ natunton sa mga kuha ng CCTV

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos nakawin ang isang nakaparadang motorsiklo sa Sta. …

Carlwyn Baldo

Kalusugan nalagay sa alanganin
LEGAL TEAM NI DARAGA MAYOR CARLWYN BALDO PINAG-AARALAN KASONG ISASAMPA LABAN SA NURSE  
Warden humingi ng paumanihin

PINAG-AARALAN ng kampo ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo ang kasong isasampa laban sa nurse ng …

Duterte Gun

Duterte aminadong pumatay ng 6 o 7 kriminal noong alkalde ng Davao City

INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, Miyerkoles na pumatay siya ng anim o pitong …

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …