HATAWAN
ni Ed de Leon
EWAN pero siguro habang binabasa ninyo ito, baka nailipat na nga si Vhong Navarro sa city jail ng Taguig, matapos na magpalabas ng isang commitment order ang Taguig RTC, na nag-uutos sa NBI na
ilipat na siya. Napunta naman kasi si Vhong sa NBI dahilNdoon siya pinasuko ng kanyang abogado matapos na makatanggap sila ng warrant of arrest at agad namang naglagak ng piyansa.
Habang inaayos na ang kanyang release matapos na maglagak ng piyansa sa NBI Office sa Quezon City, dumating naman doon ang isa pang warrant para sa isa pang kaso na ang sinabi ng hukuman ay walang bail, kaya inilipat siya sa detention center ng NBI sa Taft na roon siya nanatili. Nakiusap ang kanyang kampo na roon na lang siya sa NBI i-detain para sa kanyang kaligtasan, pero iginiit ng korte kung ano ang tamang procedure na dapat masunod, ipinalilipat siya sa city jail na nasa Bicutan.
Definitely, mas mahirap ang magiging buhay niya sa city jail. Maaaring “pangalagaan” pa rin siya dahil Vhong Navarro siya at ilalagay siya sa isang selda na matitino ang kasama niyang inmates, pero ang city jail ay siksikan maski sa pagtulog at ewan kung makakaya niyang kainin ang pagkain doon. Ewan kung may
maaayos na special condition sa kanya kapag inilipat na siya sa city jail. Hindi iyan kagaya ng detention center sa Crame na may kulungan ng mga VIP.
Pero makatutulong si Vhong sa city jail. Lalo na ngayong ilang araw na lang Pasko na, maaari siyang sumali sa isang show para
magbigay naman ng kasiyahan sa inmates. Siguro maaari rin niyang imbitahan ang mga kaibigan niyang sumama sa show. Aba malaking bagay iyan para sa mga nakakulong sa city jail.