ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
SI Senator Imee Marcos ay nag-celebrate ng kanyang kaarawan last Nov. 12 sa Southern part ng bansa, bitbit niya ang pagkakaibigan at mabuting pakikitungo ng Norte, sa isang okasyon na puno ng pasasalamat.
Sa kanyang bagong vlog na libreng mapapanood sa kanyang opisyal na YouTube channel sa Nob. 18 (Biyernes), matutunghayan ng kanyang followers ang ekslusibong pagsilip sa biyahe niya sa Timog kung saan nagbigay siya ng kasiyahan sa Davao City, Cagayan de Oro City, at Tagoloan, Misamis Oriental,na namigay siya ng financial aid, sariwang gulay, at enhanced Nutribun.
Sinamahan din niya sina Vice President Sara Duterte at Senator Bong Go sa pamimigay ng Certificates Of Land Ownership Award (CLOA) mula sa Department Of Agrarian Reform (DAR) sa ilang mga benipisyaryong magsasaka.
Nakipag-bonding din si Sen. Imee sa mga kabataan ng Crisis Intervention Center Davao na kumain sila ng Nutribun kasama sina VP Sara at Davao City Mayor na si Baste Duterte. Sa Cagayan de Oro City at Tagoloan, Misamis Oriental naman, pinamahalaan naman ng Senadora ang release ng Assistance To Individuals In Crisis Situation (AICS) mula sa DSWD kung saan binigyan ang kada recipient ng Php3,000.
Tinapos ni Sen. Imee ang kanyang pagbisita sa Mindanao sa isang simpleng hapunan na dinaluhan ng dating Pangulong si Rodrigo Duterte at nina Vice President Sara, Senator Go, Davao Oriental Governor Corazon Malanyaon, SMNI Honorary Chairman Pastor Apollo Quiboloy, at marami pang iba.
Sa Nobyembre 19 (Sabado) naman, magpapahinga ng saglit si Imee sa kanyang advocacy work sa pagbabalik ng kanyang trending na #Imeesolusyon sa isang bagong episode na nakasentro sa pag-ibig at buhay. Dito’y magbibigay ang Senadora ng mga payo ukol sa pag-ibig at buhay habang pinag-uusapan ang mga bills na kanyang isinumte at pati na rin ang kanyang mga programa na naglalayong tulungan ang mga tao sa kanilang mga buhay.
Tutukan ang highlights at sidelights ng birthday celebration ni Imee at alamin ang kanyang pananaw sa pagibig at buhay, at mag-subscribe sa https://www.youtube.com/c/ImeeMarcosOfficial/featured.