Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Reli De Leon, Philracom SEA Games

Reli De Leon, Philracom rumatsada ng charity race para sa national team

MANILA — Tumulong ang Philippine Racing Commission (Philracom) sa magiting na pamumuno ni chairman Aurelio “Reli” De Leon sa pambansang koponan na lalahok sa Cambodia sa darating na Mayo para sa 32nd Southeast Asian Games 2023.

Limang charity race ang inilarga ng Philracom para sa benepisyo ng mga national athlete nitong Linggo sa Metro Manila Turf Club Inc., sa Malvar, Tanauan, Batangas.

“We are one with the Philippine Sports Commission in its mission to serve the best interests of our Filipino athletes. We want to help the PSC in our own humble way by organizing five charity races for the benefit of our national athletes,” pahayag ni Philracom Chairman De Leon.

Ipagkakatiwala sa Philippine Sports Commission (PSC) ang mga kikitain sa karera.

“The Philippine Racing Commission led by Chairman Reli De Leon has always been a partner of the PSC in all of its sports programs and agenda. And today’s project of extending charity races, is a huge boost towards ensuring the success of our Filipino athletes in the forthcoming Southeast Asian Games,” ani Philippine Sports Commission Chairman Jose Emmanuel “Noli” Eala. (MARLON BERNARDINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Marlon Bernardino

Check Also

Alex Eala

Alex Eala tiyak na ang bronze medal sa dominadong panalo laban sa Malaysian

NONTHABURI – Tiniyak ni Alex Eala na may isa pa siyang medalya sa 33rd Southeast …

Elreen Ann Ando SEAG

Ando nagbigay ng unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting

CHONBURI – Siniguro ni Elreen Ando ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting sa …

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …