I-FLEX
ni Jun Nardo
AMINADO ang King of Talk na si Boy Abunda na miss na miss na niya ang hosting sa harap ng camera.
Eh nitong nagsara ang Channel 2 at nagka-pandemic, natakot din si Boy gaya ng marami. “Hindi natin alam kung ano ang susunod na mangyayari.
“Nandoon din ang paranoia. Tago nang tago roon sa walang tao.I went to Samar, sa Lipa, rest house ko sa Tagaytay.
“Pero mabait ang Diyos. Natuto ako sa digital. I do Face Book. You Tube. I did my interviews there.
“Naging very busy din ako kasi sa digital na zoom. Hosting conventions, awards virtually Adjustments. Binuhay ako niyon. Nahirapan pero kinaya. Binuhay ako ng Panginoon!” saad ni Boy sa launching ng isang app na pera padala ng OFWs at kabayaan sa abroad thru Gcash.
Natsismis na lilipat na siya sa ibang network. Totoo ba ang balita?
“Wala pang confirmation. Hindi ko ittinatatwa. May pag-uusap sa networks pero I haven’t signed a contact.
“I have talk with other groups. Hindi ko idine-deny. I miss my interviews. I love television. Hindi pa ako sanay sa online interview.
“Ayoko lang mawala ang nakasanayan kong on cam interview” deklarasyon ni Kuya Boy.
Sa totoo lang, sa New York City ginawa ni Kuya Boy ang ad niya kasama ang mascot na penguin na ang markadong linya sa spiels niya ay, “Fee free!” dahil tongue twister!