PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga
MAMAKYAW na ng mga paborito mong Beautederm essentials at kumuha ng bonggang gift ideas ngayong Pasko sa engrandeng warehouse sale ng brand na mangyayari sa Lot 15 Block 1 Rue de Paree corner Narra Street, L&S Subdivision sa Angeles City, Pampanga ngayong Nobyembre 15-30 (8:00 a.m.-7:00 p.m.).
Kaabang-abang ang 16 araw na super sale na ito sapagkat punumpuno ng kasiyahan at kapana-panabik na Beautederm shopping spree. Maaaring mag-avail ang mga mamimili ng magagandang deals at discounts sa one-of-a-kind super sale na ito.
Mula sa mga soap must-have all-natural collection Beautederm hanggang sa posh cosmetic line nito hanggang sa mga luxurious lotions at kasama na rin ang collectibles at merchandise — maaaring i-avail ng shoppers ang espesyal at limited-time-only deals for as low as Php99.
Regalo ito para sa lahat ng Beautederm at siyempre ng CEO nito na si Rhea Anicoche Tan, na magbi-birthday ngayong Nobyembre.
Ibahagi ang lahat ng kagandahan, pagmamahal, at goodies sa buong pamilya, mga kaibigan, at mahal sa buhay ngayog Pasko at sumugod na sa grand warehouse sale ng Beutederm!