PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga
NAGPAKITANG-GILAS si Anne Curtis sa kanyang buwis-buhay stunts pero mapuso ring performance kasama sina Jackie Gonzaga at Ion Perez sa Magpasikat sa It’s Showtime noong Lunes, Nobyembre 14.
Ang grupo nina Anne ang nagbukas ng Magpasikat 13th anniversary celebration ng It’s Showtime. Ang Magpasikat ay ang taunang all-out showcase at friendly competition ng lahat ng hosts ng naturang Kapamilyanoontime show.
Extra special ito para kay Anne dahil ito ang pagbabalik niya sa Magpasikat pagkatapos ng dalawang taon. Taong 2019 pa nang huli siyang sumabak sa Magpasikat bago siya maging isang ina.
Ayon nga sa tweet ni Anne, “Here we gooooo! My first Magpasikat since I left and became momma Hope you guys enjoy what our whole team has prepared for you guys! Let’s go team AJI Anne-Jackie-Ion!”
Kaya naman may kinalaman sa pagiging ina ang tema ng kanilang production number na inialay niya sa kanyang ina na nag-birthday. Ang bonggang pagganap ni Anne kasama ang batang si Quincy Calma ng mother and daughter relationship ang nagpaiyak sa mga manonood at netizens.
Kahit isa nang ina pinatunayan ni Anne na kaya pa rin niyang gumawa ng buwis-buhay stunts nang magpasirko-sirko siya habang naka-harness.
Hindi rin nagpahuli sa paggawa ng stunts sina Jackie at Ion. Si Jackie nagpakitang gilas sa silk dancing at aerial acrobatics. Si Ion naman kahit nagkaroon ng injury sa kamay ay itinuloy pa rin ang pagbalanse at stunts sa iron bar.
May pasabog din silang rebelasyon dahil ang istorya ng kanilang number ay ginawan din nila ng katumbas na children’s book na Ang Nanay Ko Ay Dyosa.
Tumanggap naman ng mga positibong komento at papuri ang grupo nina Anne, Jackie, at Ion mula sa mga hurado na kinabibilangan nina John Arcilla, Baron Geisler, Janice de Belen, Darren Espanto, Pia Magalona, at ABS-CBN executive Ernie Lopez.
Samantala, narito rin ang papuri ng ilang netizens:
“That heartfelt performance got me teary-eyed. Ate @annecurtissmith, you are forever Dyosa. What a beautiful story of mothers’ unconditional love — kumikinang, nagniningning at kahali-halina!”
‘Congrats to our Dyosa Anne Curtis for doing this emotional &very personal performance. Ion and Jackie did great too.Ion looks so hot.Pwede sya i cast as Villain Sa darna.Its the simplest look of Anne as Dyosa but still look beautiful. Congrats Team Anne”
“@annecurtissmith You and your team did very well in Magpasikat. I thought I was the only one crying while watching it. Soon to be a mommy here. Thank you for being a good inspiration. I’m so grateful.”
“Gagawin ang lahat ng INA para sa kanyang ANAK galing galingg anne, jackie and ion. Congratulations”
“Gusto mo yon may pa-children’s book?! She is actually pushing for more kids to read books again with their parents especially during bedtime. Entertaining and educational. Ang talino!!”