ni Ed de Leon
UMEPAL na naman ang isang showbiz kibitzer at sinasabing gusto raw niyang tulungan ang isang male social media endorser na minsang sumali sa isang television reality contest at ngayon ay may malaking problema dahil may kumakalat na gay video scandal.
Ewan kung bakit naman niya ginawa ang sinasabing 30 minute gay video scandal na ngayon ay kumakalat nang putol-putol sa social media.
Nangako raw ang gay showbiz kibitzer na tutulungan niya ang male starlet kung magbibigay na iyon ng statement tungkol sa scandal.
Ipinagmamalaki pa niyang maipapa-interview niya iyon sa isang malaganap na cable at internet newscast.
Ang tapang talaga ng hiya niyang baklang iyan. Umeepal siya wala naman siyang kinalaman sa newscast na iyon.