Friday , November 15 2024
QCinema International Filmfest 

QCinema Int’l Filmfest aarangkada na

MATABIL
ni John Fontanilla

MAS pinalaki, kapana-panabik, at mas pinaganda ang gaganaping 10th QCinema International Film Festival(In10City, A Decade of Intense Film Exprience).

Mapapanood ang 58 films, six short films with 7 sections of full-length films, at 3 shorts programs simula sa Nov. 17-26, 2022 sa Gateway, Trinoma, Powerplant, Cinema 76, at SM North EDSA cinemas.

Kasama rito ang 2 European films na tinatampukan ng mga Filipino actor (The Palme d’Or-winning class satire Triangle of Sadness by Ruben Östlund na pinagbibidahan ni Dolly de Leon, ang magiging festival’s opener at ang closing film ay ang Venice Film Festival entry na To The North ni Mihai Mincan, starring Soliman Cruz).

Ilan pa sa mga pelikulang mapapanood ay ang Nocebo ni Lorcan Finnegan, starring Chai FonacierElehiya ni Loy Arcenas starring  the late iconic actress Cherie Gil12 Weeks ni Anna Isabelle Matutina, the NETPAC Award winner with Max Eigenmann na nag-uwi ng Best Actress award sa Cinemalaya.

Ayon kay QC Mayor Joy Belmonte, “It has grown bigger and stronger beyond our dreams and much sooner than our expectations. While it started as a brainchild of mine 10 years ago, it took a whole city and the efforts of many sectors to propel it to what it is now, one of the country’s most formidable film festivals.”

Ang online screening ay available, exclusive para sa QCShorts 2022, QCShorts 2021 at RainbowQC Shorts, in partnership with VivaMax at mapapanood mula November 22-26.

Ang Gabi ng Paramgal para sa 10th  QCinema International Film Festival (In10City, A Decade of Intense Film Exprience) ay gaganapin sa Nov.23 sa Novotel Poolside.

About John Fontanilla

Check Also

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Christine Bermas Yen Durano Celestina Burlesk Dancer

Christine Bermas tuloy ang paghuhubad sa VMX 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKUWESTIYON ang muling pagsabak ni Christine Bermas sa pagpapa-sexy sa pamamagitan ng …

Winnie Cordero Amy Perez

Tita Winnie, Tyang Amy masaya, pressured sa balik-Teleradyo 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MAGKAHALONG saya at lungkot ang naramdaman kapwa nina Winnie Cordero at Amy Perez sa …