ni Ed de Leon
INAMIN ng isang male starlet na nakasama ngayon sa isang internet series na BL o gay oriented internet feature, na naging biktima rin siya ng kanyang manager at director. “Pumayag” daw siya sa gustong mangyari ng manager niya dahil sa pangakong ipapasok nga siya sa isang BL series. Hindi dahil sa pera kaya siya “pumayag,” kundi
dahil naniwala siya na magiging daan iyon para siya sumikat at maging totoong artista. Naipasok naman siya, pero bit role lamang ang ibinigay sa kanya ng director, at nahalata niya tapos na iyon.
Hanggang nilapitan siya ng isang tao sa set, interesado raw ang isa sa mga lead actor sa nasabing BL sa kanya. Interesado rin daw si direk.
Kinausap nga siya ng dalawa at sinabing isasama siya sa “part 2” kung “papayag” din siya sa kanila. “Pumayag” na naman siya, at isinali nga siya sa part 2.
Ang tanong niya talaga raw bang ganoon ang kalakaran? Aba kung papayag siya sa lahat magka-project lang siya, baka naman ma-TB na siya niyon.