PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga
MATAGAL nang nasaksihan ni Direk Perci Intalan ang galing sa pag-arte ni Elijah Canlas, pero first time niyang idirehe ang aktor sa horror movie na Livescream at mas bumilib siya sa ipinakitang husay ng actor sa pelikula.
“Kasi mahirap ‘yung role. Actually, noong nag-uusap nga kami parang tatlong magkakaibang tao si Exo (role ni Elijah). Iba ‘yung nakulong, iba ‘yung vlogger, iba ‘yung later na na-strip na nga lahat at nag-aaway na sila. So, parang ang daming personalities ni Exo. ‘Yun alam kong kaya ng range ni Elijah, sure ako roon.
“Ang nagulat ako ‘yung physicality kasi talagang ang hirap din niyong ikaw lang ang nakikita sa screen for most of the film. Ang challenge ko nga sa kanya, sabi ko, for 80 percent of the film ikaw lang ang nakikita, so kailangan nag-iiba rin ang pagkatao mo, pati ‘yung galaw mo, hindi lang ‘yung pananalita mo but the way you move, the way you react to what’s happening around you. Kasi para ma-hold mo ‘yung attention ng audience, kasi sanay ‘yung audience na iba-ibang tao ‘yung tinitingnan niya eh sa isang pelikula. Eh ikaw, ikaw lang. So, ‘yun ang revelation kay Elijah dito. And what I like is talagang nag-dive siya, head first into the material,” papuri ni Direk Perci kay Elijah.
Pero pati sa co-star ni Elijah na si Phoebe Walker ay bumilib din si Direk Perci.
Ayon nga kay Direk Perci, “Sabihin ko lang din na si Phoebe roon sa dulong scene, sobrang gusto ko rin ‘yung range na ibinigay niya eh. Kasi ramdam mo na napaka-fragile niya and yet ramdam mo na napaka-physical. Kaya niyang lumaban eh pero ganoong ka-hurt siya eh. So, I think na-gets ng audience ‘yun, naramdaman ‘yung pain na pinagdaanan niya to be betrayed by two guys. So, ganoon ka-exasperated din siya sa nangyari.”
Bukod kina Elijah at Phoebe, kasama rin sa cast sina Kat Dovey, Lucky Mercado, Jerald Napoles, at ilang real-life vloggers and influencers.
Produced by Viva Films and The IdeaFirst Company, ang Livescream ay maaaring i-stream on demand simula sa November 9, 2022 sa Vivamax Plus. Para ma-access ang Vivamax Plus kailangan ay may active Vivamax subscription ka. Punta na sa web.vivamax.net. Maaari ring mai-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store, App Store, at Huawei App Gallery.