Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sam Milby Rhea Tan

Rhea Tan sa ambassador na may kontrobersiya — We’re not perfect, lahat may pagkakamali sa buhay

MATABIL
ni John Fontanilla

IBANG pagmamahal ang ibinibigay ng generous na CEO & President ng Beautederm na si Rhea Anicoche-Tan sa kanyang mga ambassador dahil pamilya ang turing niya sa mga ito.

Kaya naman kapag may mga kontrobersiya at issue ang mga ito at humingi sa kanya ng advice ay lagi siyang nariyan para makinig at magbigay-advice. “Ako kasi ‘yung klase ng tao na kapag hindi nagsabi sa akin ‘yung endorser or ambassador ko, hindi ako nagsasalita.

” Siyempre ‘di ba, hintayin ko muna na ready ‘yung tao na mag-open up kung ano man ‘yung controversial na pinasok niya.”

Dagdag pa nito, “Sinasabi ko lang na ‘It will be okey anak, hang on’ and then nagpapadala ako ng food or flowers and sinasabi ko na ‘I’m here to listen kung ano ang pinagdadaanan n’yo.’

“Pero kung as long naman na ‘di nakaaapekto sa brand okey naman sa akin kahit na nakalagay sa kontrata na puwedeng makasira, eh ganoon talaga eh, were not perfect ‘di ba? Lahat naman tayo may pagkakamali sa buhay.

“So who are we to judge people, lilipas din lahat ‘yan,” sabi pa ni Ms Rhea.

At hindi naman ito ang basehan para magtanggal siya ng kanyang ambassador.

Sabi ko nga sir wala akong tatanggaling endorser as long as mahal niya ako, nakikita ko na love niya ako.

“Kasi may mga endorser na for the sake na kinuha mo magpo-post, pero hindi mo ramdam eh, hindi mo maramdaman ‘yung love nila sa produkto kaya ang nangyayari walang benta ‘di ba, nagre-reflect kasi ‘yun the way na magpo -post pa lang sila.

“So may mga hindi tayo talaga ini-renew literary, kasi bakit ko naman ipipilit ‘yung sarili ko, kasi nga ‘yung mismong produktong ini-endorse nila ay hindi nila ma-appreciate, those are the times na talagang nagtatanggal ako ng endorsers and for those who are staying with me for how many years 12 or 10 years may ganoon na akong mga endorser na still with me and I’m very happy, kasi sa Beautederm pamilya.. pamilya tayo.”

At ipinagpapasalamat nito ngayong 2022 ay ang pagkakaroon ng malusog at magandang pangangatawan.

Good health, ‘yun ang pinaka-importante ‘di ba?

Napraning ako noong pandemic parang I arrange everything, ‘yung bahay para sa anak kong  kay ganito, iba kasi eh ano eh buhay pala in a wink of a night puwedeng mawala, so, na-realize natin health is wealth, lets enjoy life.

“Kaya lagi akong nagmo-mall show because I’m spreading love and possitivity, kasi ‘yun na lang ‘yung kailangan ng mundo, mag-spread pa ba tayo ng hate? ‘Di ba nakaka-stress at heart attack, so love love lang.”

Sa kabilang banda grabeng saya naman ang naramdaman ni Rei dahil parte na ng pamilya ng Beautederm si Sam Milby, na ini-endorse ang Beautéderm Health Boosters Effervescent Tablets, bagong line sa ilalim ng REIKO at KENZEN at kinabibilangan ng tatlong bagong produkto na developed at manufactured sa Japan, ang Reiko ShiroSan, isang first grade dietary supplement, Kenzen YasaiDes isang dietary superfood supplement na mayroong Vitamin E at tomato extract, at ang Kenzen MizuPlus, isa ring dietary supplement na mayroong Green Tea extract at magnesium.

Si Samkasi ang best choice upang kumatawan sa pinakabagong mga produkto sa ilalim ng Beautéderm Health Boosters. “The line-up of Beautéderm’s A-list brand ambassadors could never be complete without Sam. 

“I have always admired his body of work at happy na ma-discover na ang saya at ang gaan pala niyang katrabaho.

“Dapat gayahin ang lifestyle ni Sam dahil sa kanyang disiplina at professionalism. He lives a balanced and healthy life which makes him the perfect artist to represent Beautéderm Health Boosters Effervescent Tablets.

“Ang kasabihang health is wealth ay hindi isang cliché at makikita ito sa buhay at karera ni Sam Milby. At ngayong tayo ay nasa isang panahon na napakahalaga ng kalusugan para malagpasan natin ang mga hamon ng buhay, kailangan nating gayahin ang choice ni Sam na palakasin ang kanyang katawan sa pamamagitan ng regular na boost ng natural vitality at gawin narting bahagi ang Beautéderm Health Boosters Effervescent Tablets ng ating daily essentials.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …