Monday , December 23 2024
Arnold Clavio Danny Javier Judy Ann Santos

Juday at Igan inalala pagkakaibigan nila kay Danny

I-FLEX
ni Jun Nardo

PUMANAW na ang singer-composer na si Danny Javier ng sikat na trio na Apo Hiking Society sa edad na 75 nitong October 31.

Ka-buddy  sa larong golf ng broadcaster na si Arnold Clavio si Danny. Sinabi ni Igan sa kanyang radio program sa DZBB kahapon na kahit may sakit na siya eh, patuloy pa rin siyang naglalaro ng golf. Bukod sa asthma, diabetic din si Javier.

Ang isa sa naging kaibigang artista ni Danny noong nabubuhay pa siya eh si Judy Ann Santos.

Inalala ni Juday sa kanyang Instagram kung paano sila nagin magkaibigan ni Danny. Lakas-loob niya itong nilapitan  at suntok sa buwan na humiling sa singer kung puwede siyang kumanta sa kasal niya.

Hindi naman nagdalawang-salita si Juday at pumayag si Danny sa hiling niya at doon nagsimula ang friendship niya. ‘Yun na ang simula ng kanilang pagkakaibigan.

Sa DZBB noong araw ng kamatayan ni Danny, binuhay ang mga kanta ng APO Hiking Society hanggang kahapon.

Respeto at privacy ang hiling ng kanyang pamilya sa pagpanaw ni Danny. Nakikiramay po kami sa naulila niya.

About Jun Nardo

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …