MATABIL
ni John Fontanilla
NAGBAHAGI ng kanyang creepy story si Ara Mina sa shooting ng pinagbibidahang pelikula hatid ng AQ Prime.
“Nangyari ito noong nag-shooting ako, may gumaganoog kamay sa kamera. Sabi ni direk, ‘sino iyan?’
“Eh wala namang tao, ako nga lang ‘yung may eksena, nandoon silang lahat behind the camera.
“Hayun, medyo creepy lang, pero sanay kasi akong manood ng horror films.
“I don’t have third eye or something pero nagulat lang din ako, bakit may kamay?
“May times din nararamdaman ko na nagiging creepy na ‘yung pakiramdam ko sa lugar.”
Dagdag pa nito, “Dinasalan daw nila, and before we started kasi sa first scene ko, bumagsak ‘yung frame niyong Japanese ba ‘yun? Nagulat ako. Nagdasal din naman kami bago kami mag-take.”
Pero ‘di naman nagpa-apekto si Ara sa nangyari.