I-FLEX
ni Jun Nardo
BATBAT man ang pinagdaanang problema ng festival entry na Now It Can Be Told: Mamasapano ng Borracho Films ni Atty. Ferdie Topacio, hindi pa rin siya sumuko at ngayon, napili na itong isa sa official entries sa 2022 Metro Manila Film Festival.
Sa totoo lang, may kasunod na siyang project na gagawin, ang rom-com na Spring in Prague na kukunan partly sa Prague at sa ‘Pinas.
“Passion project ko ito. Gusto naming ipakita ang katotohanan sa nangyari sa SAF 44 (Special Action Forces 44) na nasawi sa bakbakan sa Maguindanao!” pahayag ni Atty. Topacio.
Pinalitan ang director, nagka-Covid ang ilang cast at may nag-back out na cast pero ipinagpatuloy niya ito at now, mapapanood na ito sa big screen sa December 25.