Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rayver Cruz

Rayver nag-enjoy sa Beautederm mall show

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

TUWANG-TUWA si Rayver Cruz sa mainit na pagtanggap ng mga tao sa kanyang first Beautederm mall show at store opening sa SM City Molino sa Cavite noong Oktubre 22.

Kaya naman nagpapasalamat si Rayver kay Beautederm CEO and President Rhea Anicoche Tan sa tiwala at pagkuha sa kanya bilang isa sa mga bagong ambassadors ng Beautederm.

This is my first Beautederm mall show. Mommy Rei (Rhea) maraming-maraming salamat. I’m very happy na part na ako ng Beautederm family. Excited na akong umikot sa iba pang Beautederm mall shows at store openings,”sabi ni Rayver pagsampa niya ng stage.

Masaya rin si Ms. Rhea na kabilang na si Rayver sa kanyang Beautederm babies. Ipinost pa nga nito sa kanyang Instagram ang series of video clips ng performances ni Rayver sa mall show.

His First BD MallShow @rayvercruz galeng nak! Welcome to our @beautedermcorporation Family!” ani Ms. Rhea sa caption ng kanyang IG post.

Nag-comment naman si Rayver dito ng, “Many more mommy rei love you thank you po!”

Nakasama ni Rayver sa mall show ang iba pang Beautederm ambassadors na sina Jane Oineza, Jelai Andres, Buboy Villar, Pauline Mendoza, Luke Mejares, at special guest na si Maria Laroco.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Glen Sibonga

Check Also

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Janna Chuchu

 International Global Achievers Awards 2025 matagumpay

MATABILni John Fontanilla WELL attended ang katatapos na pagbibigay parangal ng International Global Achievers Awards 2025 na ginanap …

Will Ashley

Will Ashley kayang magmahal ng walang hinihintay na kapalit 

MATABILni John Fontanilla GAME na game na sinagot ng isa sa hottest young actor ngayon …