Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Cosmo Manila King and Queen 2022 Marc Cubales

Cosmo King & Queen 2022 candidates mga propesyonal

MATABIL
ni John Fontanilla

ARTISTAHIN ang halos lahat ng kandidata sa inaabangan at pinag-uusapang pageant ng taon, ang Cosmo Manila King and Queen 2022 na ang coronation night ay magaganap sa November 5 sa Sky Dome North Edsa, Quezon City.

Halos karamihan ng mga candidate ay professional. May high school teacher, gym instructor, celebrity, models atbp., habang ang iba naman ay sumali na sa national beauty pageants.

At hindi lang ganda ng mukha at katawan ang puwedeng i-cater ng bawat kandidato’t kandidata, dahil talented din ang mga ito at mahuhusay sumagot sa mga katanungan.

Ayon sa napakabait at generous na producer ng Cosmo Manila King & Queen na si Marc Cubales, ginawa niya ang nasabing pageant para matulungan ang mga aspiring model na matupad ang mga pangarap na makilala.

Bukod sa cash prize na P200k na mapapanalunan ng Cosmo King & Queen 2022, plano ni Marc na gumawa ulit ng pelikula na makakasama ang mga winner at ilan pang candidates. Isasama rin nito ang anim sa candidates sa Thailand para sa Thailand Fashion Week.

Ang Cosmo Manila King & Queen 2022 ay gaganapin sa November 5, 2022 at SM Skydome North Edsa. To be hosted by Michael Bristol, Joy Barcoma, and John Nite. Special guests are Paul Salas, Kris Lawrence,  Sex Bomb New Gen and Batang Mama. Ang show ay magsisimula ng 7:00 p.m..

Ang tickets ay  available sa SM Tickets. For more details, call CP#s 09667088434 and 09602533903. Part of the proceeds of the show goes to Cosmo Foundation: Gintong Palad & Balikatan Foundation.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

MMFF 2025 Movies

MMFF hindi contest para magpaligsahan, presyo ng tiket ‘wag sisihin 

I-FLEXni Jun Nardo HUWAG problemahin kung hindi nahigitan ng 51st Metro Manila Film Festival movies ang nakaraang …

Andrew Gan

Andrew Gan, patuloy sa pagratsada sa kaliwa’t kanang projects

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISA si Andrew Gan sa mga aktor na hindi nawawalan …

Barbie Forteza P77

P77 mapapanood na sa Prime Video

RATED Rni Rommel Gonzales SIMULA January 8 ay mapapanood na sa Prime Video ang psychological horror film …

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …