Tuesday , December 24 2024

Militarisasyon sa DOH, tutulan
‘BLOODY TRACK RECORD’ NI CASCOLAN, ‘DI DAPAT PAGTIWALAAN – HEAD 

102622 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO

BINATIKOS ng Health Alliance for Democracy (HEAD) ang pagtatalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.,  kay dating Philippine National Police (PNP) chief Camilo Cascolan bilang Department of Health (DOH) undersecretary.

Ayon sa HEAD, ang paghirang ni FM Jr., kay Cascolan kahit maraming mas kalipikado ang eksperto sa kalusugan ay patunay na hindi pagsasaayos ng kalusugan ng mga mamamayan ang prayoridad ng Pangulo.  

Imbes pakinggan ang panawagan na magtalaga ng isang kalipikadong DOH Secretary, mas pinili ni FM Jr., ang isang undersecretary na hindi doktor, health professional o health expert bagkus ay isang retiradong heneral, at isa sa utak ng madugong Oplan Tokhang.

Giit ng HEAD, ‘saradong bata’ ni dating Pangulong Rodrigo Duterte si Cascolan at naging co-author ng Operation Double Barrel o Oplan Tokhang na naging basehan sa ipinatupad na drug war ng administrasyong Duterte na kumitil sa libo-libong pinaghinalaaang drug suspects at pushers mula sa mahihirap na pamayanan.

“Appointing a retired police general in DOH without any health or medical background is very questionable. The health and safety of the people could never be entrusted to an official with bloody track record,” sabi ng HEAD.

Kahit kailan ay hindi magiging katanggap-tanggap ang appointment ni Cascolan lalo na’t target ng red at terrorist-tagging ang health workers, at ilang doktor at health workers ay pinatay matapos ma-red-tagged.

“Cascolan’s appointment in the DOH contradicts the mandate of all health workers  – to save lives and do no harm. It is meant to intimidate health workers and stifle protests over unpaid benefits and other legitimate economic demands,” anang HEAD.

Ang pagbibigay ng pabuya kay Cascolan ng isang DOH appointment ay ebidensiya na inaalagaan ng gobyerno ang mga opisyal na may madugong track record na lalong nagpapalala ng culture of impunity o kultura ng kawalan ng pananagutan sa bansa.

Binigyan diin ng HEAD, hindi nagkataon lang ang pagpuwesto kay Cascolan sa DOH ng administrasyong FM Jr., habang isinusulong bilang priority legislative agenda ang medical reserve corps na nagtatakda sa lahat ng health professionals at estudyante na magserbisyo sa panahon ng national emergency sa ilalim ng pagsasanay militar at pagbabalik ng mandatory ROTC.

Hindi anila para sa kapakanan at benepisyo ng mga mamamayan ang militarisasyon sa serbisyong pangkalusugan.

Hindi nagresulta sa pag-unlad ng serbisyong pangkalusugan ang batas militar, bagkus’y ito’y nagpalala upang hindi ito mapakinabangan ng publiko.

Ang pagtatalaga ng retired generals sa Inter Agency Task Force against CoVid-19 ay nagdulot ng ‘militarized approach’ na mas marami pa ang naging biktima ng mass arrests sanhi ng paglabag sa health protocols kaysa nabakunahan sa kasagsagan ng pandemya. 

Hindi rin nalutas ang korupsiyon sa PhilHealth nang ipinuwesto bilang pinuno nito ang isang retiradong heneral.

“We need qualified health officials not only with  medical and health expertise, but more importantly imbued with service orientation and proven track record of upholding the health workers’ and people’s right to health.”

Nanawagan ang HEAD sa kapwa health workers at sa publiko na manindigan para sa karapatan ng mamamayan sa kalusugan, at tutulan ang mga pag-atake ng estado at militarisasyon.

“Let us not allow the militarization of DOH. Let us oppose the appointment of Cascolan and any other military and police general in the DOH and  bureaucracy.”

Dapat may kakayahan
at mapagkakatiwalaan

HENERAL NG TOKHANG
‘DI KAILANGAN
SA DOH, — SOLON

BINATIKOS ng isang makabayang kongresista ang desisyon ng Malacañang na magtalaga ng isang pulis bilang undersecretary ng Kagawaran ng Kalusugan.

“We need a competent and trustworthy Health secretary now, not a Tokhang general,” ani House Deputy Minority leader at ACT Teachers party-list Rep. France Castro.

Desmayado si Castro sa pagkakatalaga kay dating  Philippine National Police (PNP) chief Gen. Camilo Cascolan bilang isa sa mga undersecretaries ng ahensiya.

“Ano ba ‘yan?! Ang kailangan ngayong panahon pa rin ng pandemya ay isang mahusay at mapagkakatiwalaang Health secretary at hindi isang Tokhang general na kasama sa nagbalangkas ng Oplan Double Barrel at pumatay sa libo-libo nating kababayan,” ayon kay Castro.

“Gen. Cascolan’s appointment is like a slap on the face of dedicated and qualified health care practitioners who were by-passed for the position. What is Gen. Cascolan’s qualification for the health portfolio anyway? Mamanmanan ba niya ang mga progresibong health workers groups o babarilin ba niya ang covid virus?!” tanong ng progresibong kongresista.

“Malacañang should reconsider Gen. Cascolan’s DOH appointment and would be better off by appointing a full time Health secretary now.  Mr. Marcos is saying that we need to normalize the situation now, immediately appointing a health secretary would be a step in achieving normalization but definitely not appointing a general to the Health department,” aniya.

Sa panig ng Alliance of Health Workers, maraming mas may kakayahan at karanasan sa loob mismo ng DOH kaysa dating PNP chief na si Cascolan. (GERRY BALDO)

About Rose Novenario

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Krystall Herbal Oil

Pulikat sa lamig ng panahon pinapayapa ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …