MATABIL
ni John Fontanilla
PARANG Rosanna Roces ang arrive ni Julia Victoria dahil maputi, makinis, maganda, Tisay, at palaban sa hubaran, mahusay umarte at magaling sumagot sa katanungan ng mga entertainment press.
Isa si Julia na bida sa pelikulang Kabayo na idinirehe ni JR Olinares.
Ayon kay Julia, may mga nagawa na siyang pelikula sa Vivamax pero first time niyang magbibida sa pelikula kaya naman itotodo na niya ang lahat at kering-keri niyang mag-all the way para sa ikagaganda ng pelikula.
Kung ano ang ipagawa sa kanya ng kanilang direktor ay gagawin niya, dahil pinasok niya ang pagpapa-sexy sa pelikula, kaya bakit hindi pa siya totodo para makilala.
Kaya naman thankful siya sa producer nila dahil pinagkatiwalaan siyang mapasama at isa sa magbibida sa aabangang pelikula bago matapos ang taon.