Sunday , March 15 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Janah Zaplan Seth Fedelin

Seth Fedelin nag-sorry sa tatay ni Janna

MATABIL
ni John Fontanilla

GENTLEMAN, mabait, at masarap katrabaho ito, ang mga katagang namutawi sa mga labi ng teen singer na si Janah Zaplan patungkol kay Seth Fedelin.

Nagkasama ang dalawa sa music video ng kanta ni Seth na Kundi Ikaw na naging leading lady nito si Janah.

Kuwento ni Janah, during shoot ay may mga eksena na halos magkalapit na ang mukha nilang dalawa. After take ay pumunta si Seth sa Daddy Boyet ni Janah at panay ang sorry nito.

Thankful din si Janah dahil hindi siya binash ng fans nina Francine Diaz at Seth, bagkus ay may nagsasabing bagay din sila ng aktor.

Kaya naman if ever na mabibigyan siya ng pagkakataong makagawa ng pelikula o teleserye, si Seth ang isa sa gusto niyang makatrabaho along with A1 actor Joshua Garcia na iniidolo niya.

Sa ngayon ay busy si Janah sa promotion ng kanyang bagong single na Eh Ano Ngayon? under Star Music.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

The Silent Noise

The Silent Noise Blue Carpet premiere dinumog

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DINAGSA ang star-studded blue carpet celebrity premiere ng bagong seryeng The Silent …

The Age Is Right Eat Bulaga

The Age Is Right ng Eat Bulaga click sa viewers

WALANG masyadong excitement ang bagong segment ng Eat Bulaga na The Age Is Right nang magsimula. Pero habang tumatagal …

Rabiya Mateo

Rabiya Mateo lalayasan na ang showbiz

I-FLEXni Jun Nardo PLANO na ng beauty queen na si Rabiya Mateo na lumayas na sa …

Cecille Bravo Disco Forever D4E

Negosyanteng si Cecille Bravo may pasabog sa dance concert

MATABILni John Fontanilla IBINAHAGI ng businesswoman, Philanthropist na si Ms Cecille Bravo na pinasok na rin ang …

Jillian Ward Eman Bacosa Pacquiao

Jillian blooming dahil daw kay Eman Bacosa

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa social media ang mga larawang ipinost ng Kapuso …