Sunday , December 22 2024
eArrival Card Airport Plane

Sa PH entry  
eARRIVAL CARD IN,  ONE HEALTH PASS OUT 

IPATUTUPAD simula 1 Nobyembre 2022 ang paggamit ng Electronic Arrival Card (eArrival Card) scan-and-go system sa mga paliparan sa buong bansa para sa mga biyaherong papasok ng Filipinas.

Naniniwala ang administrasyong Marcos Jr., na magiging mas maalwan para sa mga pasaherong papasok ng bansa kasabay ng pagbibigay ng proteksiyon sa publiko laban sa CoVid-19 ang implementasyon ng eArrival Card kapalit ng One Health Pass.

Ang eArrival Card ay requirement ng Bureau of Quarantine sa lahat ng inbound travelers sa Filipinas na kailangang inirehistro sa loob ng 72 hours bago ang pag-alis sa pinagmulang bansa.

“Arriving travelers should register for an e-Arrival Card prior to their departure via onehealthpass.com.ph or by scanning the QR code indicated in the poster released by the Department of Health (DOH),” anang kalatas ng Office of the Press Secretary.

“The adoption of the eArrival Card will make entry to the Philippines more convenient for travelers as it removes unnecessary information fields present in the previous OHP system.” (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …