AYAW pa pakasal ni Janine Gutierrez kahit 34 na siya.
Ito ang nilinaw ng aktres sa kanyang vlog na may titulong Ask Me Anything kamakailan.
May nagtanong kay Janine na isang fan ukol sa pagpapakasal at sinagot naman iyon ng dalaga ni Lotlot de Leon.
Pero bago sumagot si Janine sa mga katanungan ng fans, sinabi niyong matagal din siyang hindi nakapag-upload ng content kaya naman na-miss niya ang kanyang fans.
“I missed hanging out with you guys, mostly kayo ‘yung kasama ko noong lockdown with the weekly vlogs and now I am back as promised and to start off, I’d like to post and ask me anything,” anito.
At isa sa sinagot niya ay ang tanong na kung handa na siyang mag-settle down ngayong 33 na siya.
Sagot ni Janine, “Kanya-kanya talaga siya, like, for other people, they’re happy to get married younger or other people didn’t want to get married at all.
“So ako personally, It’s not in the plans for this year, so ‘yun.
“Wala pa, wala pang plans.”
Sinabi pa ni Janine na ‘wag magpadala sa pressure ng mga kaibigan o kamag-anak.
“I just want to remind everyone, lalo na all the girls here na just you’re because you’re a certain age if you’re 30 or older doesn’t mean you have to get married na.
“I hope you don’t feel pressured or left behind dahil ang daming nagtatanong.
“When it comes down to it, you’re always on your own timeline and it’s up to you kung ano ‘yung gusto mo with your life, so don’t feel pressure guys and to the people who are asking naman, ‘wag namang mang-pressure, ‘di ba? Like kanya-kanya tayong journey talaga ‘yan and yeah, there’s no like correct timeline in life.”
At nang pinipili si Janine kung sino ang mas bet niya kina Paulo Avelino at Zanjoe Marudo, mas pinili niyanang una.
“Siyempre ano, kaka-work lang namin ni Z but sobrang cool ni Z, I’m so happy na ka-work ko siya rito sa next show as in he’s one of the people na talagang gusto kong maka-work sa ABS-CBN kasi his movie with Lovi, ‘yung ‘Malaya’ is one of my favorite movie. Super ganda.
“So ‘yung sagot natin would be Paulo Avelino,” sabi pa ni Janine.