Thursday , April 3 2025

P197-M plunder sa NPO execs

102422 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO

NAHAHARAP sa kasong plunder, graft and corruption, grave misconduct, at gross neglect of duty ang ilang matataas na opisyal ng National Printing Office (NPO) sa Office of the Ombudsman dahil sa kuwestiyonableng P197-milyong transaksiyon sa isang pribadong printing company para sa nakaraang May 2022 elections.

Isinampa ng anti-corruption group Task Force Kasinag ang mga reklamo laban kina NPO Director IV Carlos Bathan, at NPO officials Engr. Benedicto Cabral, Yolanda Marcelo, at Leah Dela Cruz.

Naghain din ang grupo ng mga reklamo laban kay Holy Family Printing Corporation President Leopoldo Gomez.

Sa isang press conference, sinabi ni TFK President John Chiong na pumayag ang NPO na ibalik sa Holy Family Printing Corp., ang P197 milyong kita sana ng gobyerno mula sa kasunduan para sa pag-iimprenta ng mga balota para sa May 2022 national at local elections.

Sinabi ng TFK, batay sa joint revenue and revenue sharing agreement ng NPO at Holy Family Printing, kikita sana ang NPO ng P2 kada balota at 16.88% mula sa printing of ballots, habang ang 83.11% ay mapupunta sa Holy Family.

Sa kabila umano nito’y siningil pa rin ng Holy Family ang NPO ng 16% mula sa kinita sana ng ahensiya.

Ani Chiong sa reklamo sa Ombudsman, ginamit ng mga opisyal ng NPO ang isang kuwestiyonableng authorization letter na nilagdaan ni dating Press Secretary Trixie Cruz-Angeles para ilabas ang naturang halaga.

Giit ni Chiong, ang naturang transaksiyon sa pribadong kompanya ay dapat dumaan muna sa Commission on Audit (COA), at hindi dapat desisyon lamang ng NPO.

Itinanggi ni Bathan ang mga akusasyon laban sa kanya at ibang NPO officials.

About Rose Novenario

Check Also

Benhur Abalos Jr

Abalos bitbit ng Liga ng mga Barangay sa Pilipinas

OPISYAL nang inendoso ng Liga ng mga Barangay sa Pilipinas (LNB) ang kandidatura ni dating …

Bulacan Police PNP

Crackdown ng Bulacan PNP laban sa krimen, walong pugante at isang tulak nasakote

SA WALANG tigil na anti-criminality operations, naaresto ng pulisya ang kabuuang siyam na indibidwal na …

PNP PRO3

Mga insidente ng krimen sa Central Luzon, bumaba ng 19.37%

INIULAT ng Police Regional Office 3 (PRO3) ang pagbaba sa mga insidente ng krimen sa …

Bulacan DOH-CLCHD IMPACT Awards

DOH-CLCHD, kinilala ang mga programa ng Bulacan para sa infectious diseases

KINILALA ng Department of Health-Central Luzon Center for Health Development (DOH-CLCHD) ang mga pagsisikap ng …

Ayuda mula sa gobyerno mahalaga pero mamamayan ‘di dapat umasa — Pamilya Ko Partylist

Ayuda mula sa gobyerno mahalaga pero mamamayan ‘di dapat umasa — Pamilya Ko Partylist

NANINIWALA si Pamilya Ko Partylist (PKP) 1st Nominee Atty. Anel Diaz na malaki ang naitutulong …