Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Enrique Gil

Enrique nagsisiguro sa pagtalon sa Kamuning

HATAWAN
ni Ed de Leon

NABABANATAN naman ngayon si Enrique Gil, na kaya raw pala hindi makatalon-talon sa Kamuning ay marami pang demands. Hindi namin alam kung totoo iyon, o kung ano ang demands niya. Pero palagay namin nagsisiguro lang si Enrique kaya ganyan.

Una, maliwanag naman na medyo tagilid ang kanyang career sa ngayon matapos siyang basta iwanan na lang ni Liza Soberano na ang ambisyon pala ay maging Hollywood star. Sa mga artistang nabuhay sa isang loveteam, basta naghiwalay iyan bababa ang popularidad, at karaniwan ang lalaki ang mas tinatamaan. Sa kaso ni Enrique, tiyak iyon hindi niya napaghandaan ang nangyari, kasi noon ang sinasabi totoong magsyota pa sila ni Liza, Hindi rin namin alam kung bakit nga ba bigla siyang na-junk dahil sa pangako lamang si James Reid na kaya niyang i-manage ang career niyon at magkaroon ng career sa Hollywood, kahit na wala pa namang track record sa ganoon si James.

Kung si James nga tagilid pa ang career eh. Kung iyong barkada niya at business partner ding si Bret Jacksonhindi niya nabitbit eh, pero nagtiwala si Liza kaya bahala siya.

Dahil alam ni Enrique na tagilid siya na wala si Liza, natural lahat ng precautions iisipin niya. Paano kung hindi siya mag-click na iba ang partner? Alalahanin ninyo, matagal ding naghintay si Enrique bago sumikat talaga. Bago ang love team nila ni Liza, kilala siya pero hindi siya kahanay ng mga bankable star.

Naging hit ang love team nila, kinilala sila parehong bankable bilang loveteam. As individual stars hindi pa rin. Kaya naman siguro ingat na ingat si Enrique. Paano kung tumalon siya sa Kamuning at hindi

siya naging hit, saan siya susunod na tatalon, doon sa bagong estasyon sa Mandaluyong na noong una lang matunog at wala na rin ngayon?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …