ni Ed de Leon
HALATA raw kahit na noong araw pa na iniiwasan ng dalawang sikat na matinee idol mula sa isang network, ang isang sumikat ding matinee idol mula sa network nila. Palagay namin kaya hindi sila ganoon ka-close talaga ay dahil iyong isang matinee idol ay under ng management ng isang film company, bagama’t nagsimula rin siya sa parehong network.
Parang mali naman ang speculations na kaya iniwasan siya niyong dalawa ay nahahalata nang silahis siya.
Ang alam namin, hindi naman silahis ang Tisoy na matinee idol. Pero totoo na pumapatol siya sa mga bading dahil sa pera at iba pang bisyo. Kung sabihin noong araw, siya ang star ng “car fun” sa isang commercial district.
Iyon na iyon.