Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Heart Evangelista Chiz Escudero

Heart umamin na sa totoong estado ng relasyon nila ni Chiz

HATAWAN
ni Ed de Leon

UMAMIN na nga ba si Heart Evangelista na hiwalay na siya sa kanyang asawang si Senador Chiz Escudero? Lumakas ang espekulasyon nang hindi man lang bumati si Heart na hanggang ngayon ay nasa abroad, noong birthday ni Sen. Chiz. Marami rin ang nakapuna na sa kanyang mga picture na hindi na suot ang kanilang wedding ring. Pero may katuwiran doon, isang modelo si Heart at may mga shoot na kailangang walang ano mang singsing.

Ang nakagugulat ay iyong sinasabi ng ilang malalapit na kaibigan ni Heart na nagsabing binigyan sila ng pahintulot ng aktres na aminin nang hiwalay na nga siya sa kanyang asawa. Pero ang malabo roon, kung totoo nga iyon, bakit hindi pa si Heart mismo ang magbigay ng kompirmasyon na magagawa naman niya kahit na sa pamamagitan lamang ng kanyang social media account, at hindi na kailangang mga kaibigan niya ang magbigay ng kompirmasyon.

Ibig sabihin lang niyon, nagdadalawang isip pa sila sa hiwalayan.

Kung kami rin naman ang tatanungin, ayaw naming panghawakan ang sinasabi ng mga kaibigan ni Heart, kahit na sinasabi nilang may go signal ang aktres na amining hiwalay na nga siya sa kanyang asawa. Mapanghahawakan lang natin bilang katotohanan ang isang opisyal na statement na magmumula mismo kay Heart o kay Sen. Chiz. Sila ang direktang involved diyan eh at wala tayong dapat paniwalaan kundi

sila mismo. Hanggang hindi sila umaamin, maliwanag na nagdadalawang isip pa sila sa kanilang desisyon at hindi natin  sila dapat pangunahan. Kung ang mga magulang mismo ni Heart ayaw makialam eh, tayo pa ba?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …