I-FLEX
ni Jun Nardo
BOKYA pa rin ang publiko pati na showbiz reporters sa TV na makakuha ng impormasyon kay Carla Abellana sa hiwalayan nila ng asawang si Tom Rodriguez.
Puma-public na si Carla ngayon. Hindi gaya dati na hanggang social media lang siya nakikita.
Si Tom naman eh nakasama ni Ai Ai de las Alas sa isang show sa US. Tulad din siya ng asawa na tikom pa rin ang bibig sa isyu.
Eh ang mga artista namang may isyu sa buhay, kadalasan ay inilalabas nila sa kanilang vlog para mag-subscribe ang mga tao dahil alam naman ninyo ang kapalit sa pag-view at subscribe, huh!