MATABIL
ni John Fontanilla
UNTIL now ay hindi pa rin nagsi-sink-in sa utak ng beauty queen/actress na si Winwyn Marquez na nanalo siyang best actress sa 2022 IFF Manhattan para sa kanyang pelikulang Nelia ng AQ Prime.
Hindi nito maiwasang kiligin kapag naaalala niya or may magko-congratulate sa kanya sa pagiging best actress niya sa IFF Manhattan.
Kaya naman very thankful ang aktres sa AQ Prime sa tiwalang ibinigay sa kanya para magbida sa nasabing pelikula.
Ang kanyang pagkapanalo ang magiging inspirasyon niya para paghusayan pa ang performance sa mga proyektong gagawin.
At pangarap nito ang makatrabaho ang ilan sa nahuhusay na veteran actors sa bansa tulad nina Christopher De Leon, Sharon Cuneta, Maricel Soriano, at Vilma Santos.
Samantala, happy naman ang aktres na nakasama niya ang National Artist at nag-iisang Superstar na si Nora Aunor sa kanyang latest movie, na Ligalig ng AQ Prime.