Monday , December 23 2024
Andrew Schimmer Jho Rovero

Misis ni Andrew muling na-ICU

IBINALIK muli sa ospital ang asawa ni  Andrew Schimmer  na si Jorhomy “Jho” Rovero.

Ito ang ibinalita ni Andrew at sinabing kailangan niyanh muling i-confine ang asawa sa ospital.

Isang linggo pa lang ang lumipas mula nang ilabas si Jho sa St. Luke’s Medical Center, Global City sa Taguig.

Ani Andrew, kailangang manatili ng ilang araw ang kanyang asawa sa intensive care unit (ICU) para ma-monitor at mag-stabilize ang heart rate nito.

Sa Facebook ni Andrew sinabi nitong, “Just after a week, she’s back in the hospital again (sad face, broken heart emojis).

“Need po sha ipasok ulit sa ICU for few days, until mag stable po ulit sha (sad face, broken heart, crying, broken heart emojis).”

Kaya naman muling humiling si Andrew ng panalangin para sa kanyang asawa.

“Please, plsss pray for Her, she needs it (crying, broken heart, crying emojis).”

Sinabi pa ng actor na, “Pls God give Her the strenght to push trough, Kaylangan po sha ng puso ko panginoon ko (broken heart, sad face, crying praying hands emojis).”

October 10 nang ibalita ni Andrew na makakauwi na  si Jho sa kanilang bahay matapos ang halos isang taong pagkaka-confine sa ospital.

November, 2021 nang dalhin nila sa St. Luke’s BGC si Jho dahil sa cardiac arrest at hypoxemia. Dahil sa tagal ng gamutan, isang taon nanatili sa ospital ang misis niya hanggang sa umabot na nga ng ilang milyon ang kanilang medical bills.

About hataw tabloid

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …