Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jos Garcia Star Awards for Music

Jos Garcia umiyak nang magwagi sa 13th Star Awards for Music

MATABIL
ni John Fontanilla

UMAGOS ang luha sa mga mata ng Japan based international singer na si Jos Garcia nang tawagin ang kanyang pangalan bilang winner sa kategoryang Best Female Accoustic Singer of the Year sa katatapos na 13th Philippine Movie Press Club Star Awards for Music para sa kanyang awiting Nagpapanggap under Viva Records na mula sa komposisyon ni Maestro Rey Valera.

Gumagaralgal ang boses nito sa kanyang thank you speech na  inialay niya ang kanyang pagkapanalo sa yumaong ina na siyang inspirasyon niya para marating ang tagumpay na mayroon siya ngayon.

First time na nagwagi ng singer sa Star Awards for Music kaya naman bilang singer ay isang malaking karangalan sa kanya na mapansin  ang kanyang musika.

Kaya naman buong puso ang pasasalamat nito sa PMPC sa parangal na iginawad sa kanya, lalo na’t matagal na itong inaasam na manalo ng star awards.

Pasasalamat din ang gusto nitong iparating sa kompositor ng kanyang awiting Nagpapanggap na si Maestro Rey at sa kanyang mga tagahanga na hanggang ngayon ay nandiyan at patuloy siyang sinusuportahan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

MMFF 2025 Movies

MMFF hindi contest para magpaligsahan, presyo ng tiket ‘wag sisihin 

I-FLEXni Jun Nardo HUWAG problemahin kung hindi nahigitan ng 51st Metro Manila Film Festival movies ang nakaraang …

Andrew Gan

Andrew Gan, patuloy sa pagratsada sa kaliwa’t kanang projects

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISA si Andrew Gan sa mga aktor na hindi nawawalan …

Barbie Forteza P77

P77 mapapanood na sa Prime Video

RATED Rni Rommel Gonzales SIMULA January 8 ay mapapanood na sa Prime Video ang psychological horror film …

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …