Sunday , March 15 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Patrick Quiroz Rhys Miguel

Iba pang nabiktima raw ni Patrick lalantad; ABS-CBN nag-imbestiga na  

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAGITLA rin kami nang mapanood namin ang video ng dating PBB Housemate na si Rhys Miguel, na nagsabing sa isang taping ng serye na ginagawa nila para sa video streaming ay “minolestiya” raw siya ng actor at kapwa talent na si Patrick Quiroz.

Hind pa natatagalan, isa pang male star, si EJ Jeric Panganiban, ay nagsabi ring nagising siyang minomolestiya rin ni Patrick, at kahit na umano nagpaliwanag iyon na “nami-miss lang daw niya ang kuya niya kaya niya nagawa iyon.” Sinabi ni Jeric na hindi na siya nakatulog dahil baka kung ano pa ang mangyari oras na makatulog

siyang muli.

May sinasabi pa silang iba pang mga biktima ni Patrick, na hindi na lang lumantad nang pagsabihang “manahimik na lang.” 

Nangyari raw ang insidente sa taping ng isang serye nina Donny Pangilinan na inilabas sa internet streaming noong Enero 2021. Dahil sa biling “manahimik na muna” hindi sila nagsalita, dahil sabi nga ni Rhys, kung nalaman iyon ng father niya malaking gulo, at hindi na nila matatapos ang serye.

Pagkatapos niyon, si Patrick na noong una ay bini-build up ng ABS-CBN, ay tila nawalan na ng assignment, kaya dinala naman siya ng mga manager niya sa GMA 7. Wala silang alam sa mga problema at nakita naman ng GMA ang potentials ni Patrick kaya natural kinuha siya. Nagkataong kinuha rin ng Sparkle si Rhyss, kaya magkasama na naman sila sa GMA 7.

Pero walang kinalaman ang GMA sa problema, dahil nangyari iyon sa lock in taping ng ABS-CBN, at kung may diciplinary action sanang dapat gawin, ang ABS-CBN ang dapat gumawa niyon pero tahimik sila sa eskandalo. May inilabas na statement ang ABS-CBN Film Production, na nang makarating sa kanila ang reklamo ni Rhys laban

kay Patrick, nagsagawa sila ng imbestigasyon, pero hindi nila sinabi sa opisyal nilang statement kung ano ang ginawa nila matapos ang imbestigasyon.

Sinasabi ni Rhys na hawak niya ang lahat ng ebidensiya ng pang-aabuso sa kanya at mukhang desidido siyang magsampa na ng kaso.

Pero may male rape ba sa Pilipinas?  Mayroon at iyan ay tinatawag sa ating batas na “rape by sexual assault.” Ang pagsasamantala sa isang lalaki ng kapwa niya lalaki, o kahit na babae ang magsamantala sa lalaki, rape by sexual assault pa rin iyon na maaaring patawan ng mula 6 hanggang 12 taong pagkakabilanggo. Mabigat ang bintang nina Rhys at Jeric, at maaaring madagdagan pa iyan kung may lalantad pang ibang biktima na sinasabi nilang “marami.” Ewan kung paanong damage control ang gagawin nila riyan pero sayang si Patrick dahil bukod sa may hitsura, at may talent. Ewan nga lang kung bakit ba nasangkot sa ganyang usapan.

Wala rin namang naging statement ang ABS-CBN sa eskandalo bagama’t sinasabing nangyari iyon sa lock in taping ng isa nilang serye. Hindi maaaring sugar coating lang iyan, hindi maaaring i-deodorize lang din iyan. Matinding kaso iyan at wala ngang aksiyon. Maaaring naitago nga ng production people iyan at hindi na nakarating sa management ng ABS-CBN,  pero maaari pa rin silang magkaroon ng liability dahil sa kanila nangyari.

Dapat makapagpakita rin sila ng ginawa nilang aksiyong legal, o diciplinary action man lang laban sa mga gumawa ng kalokohan. Kung sasabihin naman nilang hindi nila alam, ang mananagot doon ay ang production people nila, particularly ang EP na siyang nasa site.

Ewan kung paano matatapos ang problemang iyan. Dalawa na ang lumantad na complainant. At sinasabi nilang naniniwala silang may lalantad pang iba.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

The Silent Noise

The Silent Noise Blue Carpet premiere dinumog

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DINAGSA ang star-studded blue carpet celebrity premiere ng bagong seryeng The Silent …

The Age Is Right Eat Bulaga

The Age Is Right ng Eat Bulaga click sa viewers

WALANG masyadong excitement ang bagong segment ng Eat Bulaga na The Age Is Right nang magsimula. Pero habang tumatagal …

Rabiya Mateo

Rabiya Mateo lalayasan na ang showbiz

I-FLEXni Jun Nardo PLANO na ng beauty queen na si Rabiya Mateo na lumayas na sa …

Cecille Bravo Disco Forever D4E

Negosyanteng si Cecille Bravo may pasabog sa dance concert

MATABILni John Fontanilla IBINAHAGI ng businesswoman, Philanthropist na si Ms Cecille Bravo na pinasok na rin ang …

Jillian Ward Eman Bacosa Pacquiao

Jillian blooming dahil daw kay Eman Bacosa

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa social media ang mga larawang ipinost ng Kapuso …