IPINAGPAGLIBAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang barangay at Sanggunian Kabataan elections sa Oktubre 2023 imbes 5 Disyembre 2022.
Alinsunod sa Republic Act No. 11935 na nilagdaan ni FM Jr., noong 10 Oktubre 2022, idaraos ang halalan sa huling Lunes ng Oktubre 2023.
Si presidential sister at Sen. Imee Marcos ang nagtulak sa pagpapaliban ng halalan sa paniniwalang may mga hindi pa natatapos na programa ang mga nakaupong barangay officials bunsod ng pandemya. (ROSE NOVENARIO)